Skip to content

Mga Lalawigan sa Pilipinas sa Ilalim ng Pamumunong Kastila

Mga Lalawigan sa Pilipinas sa Ilalim ng Pamumunong Kastila: Rebyung Halaw sa Mga Piling Batis

Panimula

  1. Kaligiran ng Papel

Taong isang libo’t limang daan dalawampu’t isa, nang simulang manakop ang mga Espanyol sa pitong libo’t isang daan at pitong pulo ng Pilipinas, mayroon ng kani-kaniyang mga tradisyon at adwana na sinusunod ng mga katutubo sa bawat lalawigan. Bilang kadagdagang impormasyon mayroon ring mga pag-usbong sa mga tuntunin ng pamumuno pati na rin sa ekonomiya. Ayon sa pag-aaral sa mga libro nina Rosario M. Cortez, Adriel O. Meimban, Isabelo F. de los Reyes et. al., nang dumating ang mga Kastila sa kapuluuan ng Pilipinas naipalaganap ang mga pagpapaunlad ng bawat lalawigan.

Hindi bago ang pagkakaalam ng mga tao na ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol, pero ang pagkakaalam ng mga tao ay hindi umaabot sa malalim na pagka-kaintindi ng epekto ng Espanyol sa ating lipunan. Tulad ng mga gawain ni Pigafetta at ni Albo, nagkaroon ang mga mananalaysay ng bagong tanaw sa mga nangyari noong Marso 31, 1521, kung saan nangyari ang unang misa. Sa laman ng papel na ito, ipapakita ang mga epekto ng mga kastila hindi lamang sa buong Pilipinas, kundi ang mga lalawigan ng mga napiling batis tulad ng Mindanao, Manila, Ilocos, atbp.

Ang pag-aaral na ito’y susuriin ang mga piling batis patungkol sa kalagayan ng bawat lalawigan sa pamumuno ng mga Kastila. Ipapakita rin dito kung ano ang naganap noong oras ng kastila at paano na tulungan o naapektuhan ang Pilipinas sa mga gawain nila.

  1. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito ay para ipakita ang mga naganap noong panahon ng kastila (1521-1898) at suriin ng kritikal ang mga napiling batis upang maipakita ang kabuuan at pagpapatuloy ng mga ebidensya na ipinapakita ng mga piniling batis. Binibigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mahahalagang kaganapan sa bansang Pilipinas sa ilalim ng kolonyal ng Espanya:

  • Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod
  • Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas
  1. Nilalaman

Ang Histogprapiya ng Kristiyanismo ayon sa akda ni Florentino delos Reyes

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Walang mga hari sa Ilocos, maraming bilang ng mga pinuno na naghari sa kanilang mga lupain na tinawag bilang agturay. Sa buod ay kinikilala ni Padre Pacencia ang tatlong klase ng tao, na siyang maharlika o kung kaya ay tinawag bilang mahadlika o principalia, ang aliping namamahay at ang tagabu o adipen. Kinomento din niya na mayroong isang klase sa lipunan sa mga lumang Ilocos na ang kailian, na tumutukoy sa kalagitnaan ng klase o di-maharlika ng bayan[1]. Ang pagkaalipin ang pinakamababa sa mga klase ng mga tao na trinatratong mga hayop. Ito ay isang adwana na isinagawa ng mga katutubo bago dumating ang mga Kastila. Ito ang pundasyon ng kayamanan, sa gayon maraming mga agturay ang interesado na makuha ang mga ito kahit na sa pamamagitan ng hindi tamang paraan. Nang maglaon, dahil sa pamamahala ng Espanyol, tinanggal nila ang nasabing kasanayan sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo para sa mga alipin na nagresulta sa mahirap na pagbili sa mga ito[2].

Ang pagtuklas ng isang villa sa vigan ay pinabuti at pinangalanang fernandina bilang karangalan ng prinsipe fernando, anak ng Haring Espanyol na si Felipe II at Doña Ana. Ang mga encomiendas ay ipinamamahagi sa mga lalawigan ng Ilocos ng Gobernador ng rehimen ng Espanyol[3]. Ang mga bahay at kuta ay itinayo, ang mga simbahan ay binalak sa mga bahagi ng Ilocos at ilang iba pang mga gusali ng lalawigan. Inalok ang mga trabaho at pagpapaandar para sa pagpapanatili ng villa. Ang mga bagong bayan ay itinatag kasama ang mga bagong paraan ng agrikultura ay ipinakilala ni Gobernador pangkalahatang Jose Basco y Vargas noong 1785[4]. Bukod dito, sa unang limang taon ng La Union bilang isang lalawigan, ang pangunahing pag-unlad sa transportasyon ay naranasan ng mga Pilipino. Pabrika na gumagawa ng mga produktong binili mula sa asya ay suportado at ipinatupad[5].

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Sa wika ng kulturang Ilocano noong nakaraan, ang pagtanggal sa mga pangwakas na mga katinig ng isang pantig na naging mas mahirap na basahin ang pagsulat ng Pilipinas kaysa ang isulat. Sa gayon, ipinakilala ng mga Espanyol ang bagong paraan ng paggamit ng mga konsonante upang mapagbuti ang literatura ng Ilocos. Ang mga Ilocano ‘kasama ang Pilipino ay may likas sa paggaya sa iba. Dahil sa pag uugali nila sa paggagaya, nakalimutan nila ang kanilang sariling sistema ng pagsulat at ginamit ang mga kasanayang Espanyol na ipinakilala sa kanila. Ang mga sinaunang tao ay sumulat sa iba’t ibang uri ng likas na mapagkukunan, at ito ay ika-10 siglo lamang na sinimulan nila ang paggamit ng papel na ginawa ng mga Espanyol, na isang papel na gawa sa kotong naipadala mula sa Espanya[6].

Ang mga Pilipino na naninirahan sa mga lugar na baybayin ay pinamamahalaan ng mga batas ng mga indies sa lalong madaling panahon matapos na dumating ang mga Espanyol sa bansa[7]. Nakalimutan ng mga Ilokano ang kanilang sariling mga sinaunang batas dahil sa mga bagong batas na ipinakita ng mga Kastila, maliban sa mga kabundukan ng Abra. Sa mga probisyon ng mga bagong batas, ang mga indo ay natuto sa mga Espanyol at walang isang katutubong batas ang napanatili[8]. Bilang isang batang lipunan ng mga Ilocos na binuo ng mga Kastila, ito ay tulad ng isang yugto ng pagkabata na ang kanilang mga transaksyon ay mga palitan lamang. Ang mga Ilokano ay makakakuha ng isang piraso ng lupa, isang bahay, mga kaldero sa pagluluto ng metal na ginamit ng mga katutubo bilang mga tambol ng mga kampanilya, kumot, tela ng koton, ibon, puno ng palma, at nipa o kahoy. Sa pakikipag-ugnayan sa pangangalakal, ginagamit nila ang gintong pulbos dahil sa kawalan ng pagproseso nito sa mga gintong barya. Ang isang timbangan na tinatawag na “pagtimbengan” ay ginamit upang masukat ang kanilang mga produkto. Ang tradisyunal na yunit ay tinawag na “tae”. Ang mga yunit ng pagsukat para sa haba, lapad at dami ay ipinatupad din.

Habang sa kabilang panig ng lalawigan ng Luzon sa probinsya ng Pangasinan itinatag ng mga Espnayol ang Calasiao o ang pag-alis ng mga matinding kaguluhan at maliit na digmaang sa iba’t ibang mga barangay, pagtatatag ng batas at pagpapasunod sa kanila sa pamamagitan ng panuntunan ng Espanyol ay pinakamahusay na ipinagpapamalas sa pagtatatag ng bayan ng Calasiao. Orihinal na, ang Calasiao ay isa lamang sa maraming maliliit na pag-aayos na patuloy sa digmaan sa isa’t isa malapit sa bayan ng Gabon[9].

Ang Histogprapiya ng Kristiyanismo ayon sa The Great Island: Studies in the Exploration and Evangelization of Mindanao ng Ateneo De Manila University Press

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

            Nagsimula ang proseso ng ebanghelisasyon at ang unang itinayong simbahan sa Mindanao noong 1596. Ang misyon sa paglaganap ng kristiyanismo sa lungsod ay para sumampalataya ang mga mamamayan ng Mindanao sa kultura ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng pagkanta para simulan ang ebanghelisasyon, mapasampalatya ang mga pinuno sa Kristiyanismo para makuha rin ang loob ng sinasakupan nito, at paggamit ng edukasyon para sa bubuoing lipunan ng Kristiyanismo.

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Sa Mindanao naman, noong unang pagdating ni Magellan sa Samar noong Marso 16, 1521, nagsimula ang Kristiyanismo sa unang misa ng Pilipinas noong Marso 31, 1521 sa Limasawa. Bukod doon, nagkaroon ng impluwensya ang mga misyonero ng mga Jesuit gamit ang mga estratehiya tulad ng pag turo sa mga Pilipino ng mga kanta, ang pag-convert ng mga pinuno ng isa komunidad upang sumama ang mga miyembro ng komunidad na iyon, at ang pag gamit ng edukasyon para makagawa ng isang grupo na edukado tungkol sa Kristiyanismo.[1] Bumilis ang Kristiyanismo sa Mindanao dahil sa dalawang pangunahing kadahilanan, isa ang paglipat ng maraming mga Pamilyang Kristiyano, yung pangalawa ay yung mga gawain ng mga dedikadong misyonero—pari, madre, at mga kapatid na galing sa maraming kongregasyon.[2] Mayroong mga ibang lugar na hindi nagkaroon ng Kristiyanismo hanggang sa huli ng ikalabing siyam na siglo, tulad ng Davao na nagsisimula pa lamang ng Kristiyanismo noong binisita ng mga Jesuit at itinuloy ng mga iba pang mga misyonero noong ika-dalawampung siglo.[3]

Ang Histographiya ng Kristiyanismo batay sa librong The Making of a Province (1850-1921) ng Rex Printing Company

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Habang lumipas ang mga taon makikita sa La Union na ang hispanisasyon at katolisasyion ay nagresulta sa pagpapakilala ng sibilisadong pamumuhay nang bawat pamilya. Nagbigay kaalaman din ang pari sa mga tao tungkol sa paggawa ng mga ladrilyo, pag-quarry at pagkolekta ng mga bato upang makagawa ng apog.[4] Ito ay nakatulong sa mga Pilipino upang makagawa ng mas matibay na mga istraktura.

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Isang alyansa ay ginawa sa mga katutubo at mga kastila na pinamamahalaan ni kapitan Salcedo habang ipinakita nila ang mga pakinabang ng pangako sa relihiyon ng Espanyol at makakakuha sila ng proteksyon sa ilalim ng monarkong Espanyol, ang kabanalan ng Katolisismo at ang kanilang primitibong teogoniya na may maraming mga pagkakamlali ayon sa mga Espanyol. Ang mga Augustinians na ang unang pangkat ng mga taong kabilang sa katolikong relihiyosong kautusan na nakarating sa kapuluan ay nagsama-sama noong Abril 30, 1575 at sumang-ayon at ipinatupad ang pagtatayo ng isang kumbento at isang simbahan na nakatuon sa pagbabalik ni santong Paul ang apostol bilang memorya ng titular patron saint ng kumbento sa Manila ay itatayo sa Vigan[5].

            Ang Histographiya ng Kristiyanismo New Day Publishers

Ang librong Pangasinan 1801-1900: the beginnings of modernization, ay sinulat ni Gng. Rosario M. Cortes noong taong 1990, ito ay kasunod ng naunang libro niya na pinamagatang Pangasinan 1572-1800. Ang librong ito ay nahati sa walong kabanata – introduction, the growth of new towns, beyond the coastal and central areas, political dynamics, the last century of hispanization, towards the end of the spanish regime, between the two regime, in retrospect conclusions and observations.

Ang layon ni Gng. Cortes ay mailahad ang pamamaraan na ginamit ng mga espanyol upang masakop at maisaayos ang lalawigan ng Pangasinan bilang isang estado. Sa librong ito inilahad ang pagkakabuo ng mga bayan at municipalidad sa lalawigan ng pangasinan, pati ang pagusbong ng kalakalan sa pangasinan noong mga taon ng 1830-1890s.

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Sa panahon naman ng pananakop ng mga Espanyol sa probinsya ng Pangasinan, Pinagunlad nila ang pagkabuo ng Pangasinan bilang Alcadia. Para sa layunin ng pangangasiwa at pagkalat ng hustisya, hinati ng Spain ang Pilipinas sa mga subdibisyon sa politika na alam bilang mga alcadias mayores at corrigimientos, bawat isa ay pinamumunuan ng isang alcalde mayor o isang corregidor, kung saan ang sanhi nito. Ang isa sa mga batas ng mga indies ay nagbigay na, “Ang teritoryo ng Audiencias ay nahahati sa mga gobiernos, corregimientos, at mga alcadias mayors”[1].

Sa kabuuan ng ika-18 na siglo, nanatili ang pangasinan na isang lalawigang agrikultural, kung saan bigas ang pangunahing produkto. Kaya naman ang pangasinan ay napabilang sa mga lalawigan na kinikilala bilang “richest of the islands”. Sa taong 1830, ang Dagupan at Lingayen ang dalawang bayan na nangunguna sa kalakan. Sa unang bahagi ng ika-18 na siglo, Lingayen ang sentro ng kalakan  dahil kahit ang mga chinese na bayan ay inaangkatan nito ng mga produkto. Ngunit sa taon na 1880 umusbong naman ang Dagupan at pinalitan ang Lingayen. Sinasabing ang Dagupan ay isang “unique town of commerce to which all the products of the province flow”.

Ang mga daan na nagkokonekta sa mga bayan ng pangasinan ay nagawa na simula la noong panahon ng kastila, dahil ito ay kanilang kailangan sa pagiinspeksyon ng gobernadorcillo ng probinsya. Ang mga tulay rin ay nasimulan na sa dalawang malaking ilog ng pangasinan. Ang mga materyales sa paggawa ay sinasabing magagaan lamang sa kahoy na taon taong inaayos ng mga tao dahil sa compulsory labor program.

Ang Pagpapapayapa ng Probinsya noong 1583. Sa kabila ng pagpapapayapa sa kaloobang parte ng probinsya noong 1573, ang opisyal na pananaw ay ang Pangasinan ay hindi pa talaga napasailalim hanggang sa panahon ni Don Diego Ronquillo noong 1583.

Sa huling dekada ng kastila ay inilalarawan ng Pangasinan ang gobyernong meron ang Espanya. Isa rin ang Pangasinan sa sinasabing naging tapat sa kanila sapagkat kakaonti lamang ang mga nakilahok sa rebulusyon. Noong taong 1886 rin ay inihiwalay ang hukuman sa ehekutibing sangay ng gobyerno. At nakabilang ang pangasinan sa first class civil province.

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

At dahil naman sa pagpapakilala ng Kristyanismo sa mga katutubo ng Pangasinan, ang isang naging mabuting epekto nito sa mga katutubo ay ang pagpapaalis ng pang-aalipin⁸⁵. Ibinalik rin nito ang pagasa, pananampalataya at ang proteksiyon sa bawat katutubo⁸⁹. Sa katunayan bago pa man magsimula ang pananakop sa probinsya ng Pangasinan ay hindi lamang basta pananakop ang layunin ng mga Espanyol sa panahon ng pamumuno ni Legazpi. Samakatuwid, nang umalis si Legazpi sa Mexico, ang hanay ng selyadong tagubilin sa kaniya, ang mga layunin nito ay kasama ang utos na “magsagawa para sa pag-eebanghelyo ng mga katutubo”[2].

Ang Histograpiya ng Kristiyanismo ayon sa akdang La Ciudad de Nueva Caceres:The Rise of the Sixteenth Century Spanish City  ng Galleon Publisher

Ang aklat na pinamagatang, “La Ciudad de Nueva Cáceres” na isinulat ni Danilo Madrid Gerona ay isang masuring dokumentasyon tungkol sa lungsod ng Nueva Cáceres (kilala ngayon bilang Naga City) mula sa sa mga sinaunang misyonaryong Franciscan hanggang sa isang pangunahing istasyon ng mga pasahero ng galleon, isang masiglang sentro ng edukasyon, pati na rin isang sibil at eklitikang kapital ng buong kahabaan ng Kabikolan at ang natitirang bahagi ng southern Luzon, proseso ng urbanisasyon, kolonyal na konstruksyon ng katutubong lipunan ng Nueva Caceres City.[3]

Ang Ciudad de Nueva Cáceres (Naga City) ay pangatlong lungsod ng Espanya sa mga isla ng Pilipinas, kasama ng Cebu at Maynila. Si Haring Philip II ay itinaas ang ranggo ng Nueva Cáceres sa isang Royal City noong ika-16 Siglo. Ipinapakita ng librong La Ciudad de Nueva Cáceres ang mga natatanging impluwensya sa kapalaran ng lungsod at rehiyon ng Camarines at ang mga personal na hakbangin na bumubuo nito.

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Ang Nueva Cáceres ay nagsisilbing patunguhan ng mga mananakop at mga misyonero sa pagpapalawak ng kani-kanilang mga proyektong kolonyalista. Ang Nueva Cáceres ay ginamit bilang isang sentro ng relihiyosong aktibida pangdigma para sa encomenderos, at isang pamayanang unti-unting dumarami ang populasyon.[1]

Ang mga mamayan sa Naga ay nagtataglay ng mga sopistikadong armas. May posibilidad na nakuha nila ang ilang mga baril ng Espanya na tinatawag na arquebus na mula lamang sa mga Europeo. Sinabi ni Fray Martin de Rada, ang misyonaryong Augustinian, na ang mga tao sa distrito ng ilog ng Bicol ang pinaka-matapang at pinakamahusay na armadong lalaki. Ang mga katutubong tagabaryo ng Naga ay may kasaganahan sa mga tuntunin ng mga kasanayan sa mga paggawa ng hiyas at gintong artipisyal na  nagpukaw ng kasakiman ng mga mananakop. [2]

Ang Nueva Cáceres ay ang rice capital ng rehiyon. Sinamantala ng lungsod ang paggamit ng likas na pribilehiyo nito sa likas na yaman upang mapalakas ang potensyal sa komersyal at pang-industriya. Ang pagtaas ng populasyon ng lungsod ay direktang humantong sa pagrami ng pangangailangan ng mga mamamayan. Sa pagtatapos ng kalakalan ng galleon, ang paglilinang ng mga pananim ay mayroong mga lokal na pangangailangan pati na rin ang pagbuo ng mga industriya na gumagamit ng mga endemikong materyales.

Ang pangunahing mapagkukunag kita ng Kabikolan ay mula sa transportasyon sa karagatan. Ang seminaryo ng Nueva Cáceres ay isang eksklusibong sentro para sa pagsasanay ng pagka sacerdote.[3] Binuksan din ng lungsod ang isang paaralan na naglalayong turuan ang mga kababaihan tungkol sa katoliko na moral.

Ang lungsod ng Nueva Cáceres ay naging modernong lungsod na may maraming mga pasilidad, sentro ng administratibo, pamahalaang panlalawigan, pamamahala ng munisipalidad, mga gusali, pinaayos na kalsada, at ang pagpapalawak ng mga distrito ng tirahan.

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Sa lalawigan naman ng Naga, ang mga pinuno ng hari ay tinawag sa simbahan, sa pamamagitan ng maharlikang patronahe (alyansa sa pagitan ng Espanya at Vatican, kung saan binigyan ng monarkiyang Espanyol ang suporta sa logistik at sa militar para sa mga misyonero na naayon sa proseso ng Kristiyanismo), upang makipagtulungan sa mga awtoridad ng sibil sa pagsasagawa ng bagong sistema ng Katoliko.[4]

Ang pre-hispanic riverine villages ng lungsod ng Naga ay itinuturing isang madiskarteng lokasyon ng Naga na siyang nagpapalaki ng socio-political commercsa distrito ng mga ilog. Sa pangunahing ilog ng rehiyon, kinokontrol ng Naga ang trapiko sa pagitan ng mga pabrika ng pagmimina ng ginto ng Paracale at Mambulao, at ang mayabong na lupain na taniman ng palay sa distrito ng Yraya.

Sa lungsod ng Naga ay ipinapakita ang matagumpay na kolonyal na pakikipagsapalaran ng Spain sa Pilipinas. Ang Naga City ay naging sentro ng pulitika ng lalawigan. Sa loob ng maraming siglo, ito ay naging tahanan ng mga misyonero, kinatawan ng hari, encomenderos at bilang isang simbolo ng pag-asa para sa mga Espanyol sa galleon. Matapos nilang matagpuan ang lunsod na ito para sa Ginto, ginamit nila ang lugar na ito para sa paninirahan ng mga militar ng Espanya. Ang sistemang ito ay nagpapakita na ang simbahan at ang sekular na kaharian ay nagkakaisa. [5]

Ang paglikha ng diyosesis at bagong komunidad ng Kristiyanismo ng lungsod ng Naga, bilang isang sentro ng diyosesisian ay naglalarawan ng isang bayan ay isa ring lungsod na tatawagin bilang Cáceres na bubuo ng simbahan ng katedral sa ilalim ng adbokasiya ni San Juan na Ebanghelista.

Si Bishop Francisco Zamudio ay nasa isang bangayan laban sa mga Fanciscans nang iginiit niya ang kanyang awtoridad at hinihiling ang pagsunod sa kanonikal na prinsipyo ng superyor ng episcopal. Ang katedral ng Caceres ay lubhang mahirap, hindi nila kayang bayaran ang kinakailangang tauhan at mapagkukunan kaya humingi ng suporta si Obispo Zamudio sa hari mula sa Royal Treasury noong 1640.[6] Ang pangunahing dahilan ng kahirapan ng lungsod ay dahil sa maliit na populasyon, samakatuwid, ang maliit na buwis lamang ang naiipon.

Ang trade Galleon ay nakinabang sa sistema ng kolonyal na monopolyo para sa mga komersyal na aktibidad ngunit nagsisilbi ring isang pasanin para sa mga residente ng lungsod na nagsisilbing mga tagabuo, kargador, at manggagawa. Ang mga problemang sosyo-ekonomiko ay ipinakita rin sa panahong ito tulad ng pagsasamantala sa mga lokal na manggagawa sa lungsod.

Ang Histograpiya ng Kristiyanismo ayon sa librong  Focus On Old Manila: A Volume Issued to Commemorate the Fourth Centenary of the City of Manila ng Philippine Historical Association

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Ang unang hakbang sa pagtatatag ng panibagong bayan ay ang pagsumite ng isang liham o lisensya na nagpapahayag na panghihingi ng pabor upang magsagawa ng isang visita. Itong kasultan na ito ang dapat magmula sa gobernadorcillo sa mga pari ng nasabing lugar. Ang gobernadorcillo ng probinsya ay dapat patunayan ang mga nabanggit sa petisyon liham o lisensya sa pagpapadala ng isang katiwala na magsasagawa ng isang inspeksyon. Sa nasabing inspeksyon ay dapat magkaroon ng sapat ekonomiya, demograpiya at ekologikal na kapasidad ang bayan.

Ginawang sentro ng pamamahalaan at gobyerno ng buong isla ang Maynila nang unang bumisita si Miguel Lopez de Legazpi sa nasabing lalawigan.[7] Nagampanan lamang ng kapangyarihan si Legazpi na buuin ito at maging alkalde ng lalawigan dahil nagtagumpay siya sa kanyang kolonyalismo sa Cebu, kaya binasbasan siya ng hari ng Espanya para dito.

Sa unang hakbang naman sa pagtatag ng isang munisipalidad ay ang pagbibigay ng plano kung saan ipupwesto ang simabahan, plaza at mga gusali na kakailanganin ng isang gobyerno. Pangalawa ay pagpapasa kung gaano kalaking lupain ang kakailanganin ng isang munisipalidad. Pangatlo ay pagkakapwesto ng mga bukirin at mga pagtatayuan ng kabahayan. Ikaapat ay ang plano kung saan nilalahad ang pagtatanim ng puno at halaman sa pagitan ng mga kabahayan upang mapanatili ang balanse sa kalikasan. Ang ikahuli sa lahat ang pagtatag ng isang munisipalidad.

Noong ika labinglima’t pitumpo ay nabalitaan nila Miguel Lopez de Legazpi, isang Kastilang nabigador, ang bayan ng Maynilad na kung saan ay sagana sa komersyal sa mga Intsik at ibang mga karatig bansa. Pinadala si Martin de Gioti upang tuklasin ito. Nagkaroon ng digmaan ang mga Kastila laban sa mga lokal na mga mamamayan at sila’y nagtagumpay. Pagkatapos ng isang tao’y pumunta si Legazpi sa Maynilad, ngayo’y Manila, at idineklara ito bilang isang bagong bayan at sentro ng pamamahalaan sa buong isla. Nagpatayo ng ng malaking bahay sa loob ng ‘battlement walls’ upang maging tirahan ng Adelantado kasama ang malaking bahay para sa mga ‘friars’, at isang simbahan.[8] Ngayon ang bayan na ito ay kilala bilang ‘Old Manila’ o mas kilalang Intramuros.

Sa paglipas ng ilang tao’y masilayan ang pag unlad ng mga inprastraktura sa Lumang Manila (Intramuros) nang nagpatayo ang mga Kastila ng mga gusaling pampakapakanan para sa mga mamamayan[9] at nagkaroon na ng tatlong ospital sa lalawigan. Ang kalye’y mahusay na napalinya sa mga kabahayan, at karamihan ay gawa na sa bato at ‘clay tile’ na mga bubong.[10]

Sa taong labing anim at apat napu’t dalawa, ang mga Dominikano ay pinatayo ang Colegio de San Juan de Letran at sa patuloy na tao’y pinalawak ang sakop ng paaralan. [11]

Bago pa man nakatungtong ang mga Kastila sa mga isla ng Pilipinas ay kilala na ang Maynilad sa mundo ng kalakalan. Isa ito sa mga lugar kung saan nagaganap ang pakikipagkalakalan ng mga Intsik sa mga Tagalog at mga karatig bayan nito. Sa paglipas ng ilang taon sa pamamalakad ng mga Kastila, mas nakikilala na ang Maynila sa buong mundo. Kilala ang mga galyeon sa Europeo lalo na sa England. Gayindin kay Holland na isang nangangalakal na alam ang dami ng kalakalan sa Maynila. [12]

Sa ika 1600 na siglo ay naging eksperto na ang mga Kastilang naninirahan sa Maynila sa pangangalakal sa Tsina gayundin sa yamang natatanggap na ipapakita sa lungsod. [13] Katunayan, dahil sa kalakalan sa loob ng tatlongpung taon ay umasensyo ang Maynila at tinagurian itong ‘The Pearl of the Orient’.[14]

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Noong 1762, noong nasakop ng Britanya ang Maynila at gumawa ng plano na salakayin ang mga Kristiyano na bayan sa Mindanao. Pero dahil sa pamumuno ni Padre Ducos, isang Jesuit na pari, nadepensahan nila ang dalawang-buwan na paglusob ng mga Moro sa Iligan. Naitulong ito sa pagpatahimik ng mga probinsya dahil kaunti-unti humihina ang pwersa ng mga Moro sa mga Kristiyano.

Sa taong labing anim at dalawamput pito, ang gobyerno ng mga isla ay nakasentro sa Maynila at binanggot rin ni Father de los Rios Coronel sa kanyang Relaćion na ang Manila ay “center of the circle” ng Timog Silangang Asya na may malawak na kasakupan.[15] Ngunit ang kasakupang ito ay iilan lamang sa mga nasakop na ng Espanya.

Ang Histograpiya ng Kristiyanismo ayon sa Historical Conservation Society

a.) Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Ang mga pagbabagong naganap sa Samar ngunit ang mga pagpapatuloy para sa karamihan sa mga Samareños, lalo na sa kaugalian, ritwal ng damit, pabahay, pananim, pagkain, at relasyon sa mga parokyano, ay mas malaki. Ang isa pang higit na pagpapatuloy sa kasaysayan ng Samar ay ang kawalan ng karahasan at paghihimagsik.[16]

Ang agrikultura sa Samar ay higit sa lahat batay sa isang sistema ng shareholder. Walang malalaking ari-arian sa Samar tulad ng sa Gitnang Luzon, ang karamihan sa mga bukid sa Samar noong 1896-1897 ay dalawang hektarya lamang. Patuloy silang naninirahan sa kanilang tradisyonal na mga gawain. Nakatali sila sa poblaciones ng mga piyesta at mga relasyon sa kanilang mga parokyano. Ang mga pamamaraan ng kalakalan ay nagbago, ang pagbabago ay dumating sa Samar, ngunit hindi ito rebolusyonaryo na pagbabago.[17]

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Ang mga prayle ay nagtuturo ng konstruksyon sa kalsada at tulay, na madalas na nagbibigay ng pagkain at kagamitan sa mga manggagawa, pati na rin hinikayat ang pagbuo at pagkumpuni ng mga gusali ng simbahan, paaralan, at gobyerno. Nabanggit din na ang bilang ng pueblos at ang laki ng populasyon ay tumaas nang malaki sa pagitan ng 1768 at 1898.[18]

Ang mga kita ng lalawigan ay maliit, hindi regular, at madalas na lumampas sa mga gastos hanggang sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mga Kastila ay nagsisimula upang madagdagan ang bilang ng mga tauhan at pagiging kumplikado ng kanilang burukratikong administratibo upang mas mabisang pamamahala ng Samar.[19]

Ang mga badyet ng munisipal ay tumaas din sa laki sa huli ikalabing siyam na siglo. Walang opisyal na pondo ng pueblo sa Samar nang dumating ang mga Franciscans. Ang bilang ng mga opisyal ng pueblo at tungkulin ay nadagdagan.[20]

Ang reseta ng mga kabataang lalaki upang magtrabaho o lumayo sa kanilang pueblos ay tiyak na isang mahalagang sukatan ng epekto ng isang pamahalaan sa mga mamamayan nito. Ang katibayan para sa pampublikong paggawa o polo kinakailangan ng Spanish Administration ay hindi gaanong kumpleto ngunit kung ano ang nagmumungkahi na hindi gaanong mahigpit sa huli na ikalabinsiyam na siglo. Ang bilang ng mga Administrator ng Espanya sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo ay maliit. Ang paglaganap ng mga bureaus at regulasyon, pagtaas ng presyon at hinihingi sa mga opisyal ng pueblo.[21]

Ang Histograpiya ng Kristiyanismo batay sa akdang The Most Noble City: History and Development (1566-1898) ng New Day Publishers

a.)Ang Pag-unlad at Pag-usbong ng Modernisasyon sa Lungsod

Ang mga katutubo ay nilalaan lamang ang kanilang mga sarili sa paglilinang ng palay, abaka, ilang itim na paminta, kakaw at sa pagtatanim ng koton, tabako, trigo, gulay na mga puno ng prutas. Sa mga produktong iyon ay kalaunan ay idinagdag ang tubo at mais.[22]

Ang pagka-mayabong ng lupa at kanais-nais na klima lamang ay hindi ipinaliwanag; ang pangunahing kaalaman ng Iloilo sa paggawa ng bigas at iba pang mga produktong pang-agrikultura. Ito ay dahil sa industriya ng mga tao nito na pinananatiling maayos ang lupa. Sila ay likas na napaka-sipag sa kanilang mga sakahan ng bigas.[23]

Matapos ang tatlong taon sa Cebu, napatunayan ni Miguel Lopez de Legaspi kasama ng kanyang mga tauhan na ang punong tanggapan at ang lugar ay wala ng katiyakan. Ito ay nasa ilalim na nang malubhang kakapusan sa pagkain, kasabay nito ang gulong hatid ng mga Portuges sa kanilang pagsulong. Lumipat ang mga espanyol sa Panay dahil ito ay mas ligtas na lugar para ipagtanggol ang kanilang sa mga sarili laban sa mga Portuges.[24]

Pinili ni Legaspi ang Isla ng Panay dahil ito ay magandang lokasyon para ipagtanggol ang kaniyang sarili at ang kaonting mga sundalo. Kung matuklasan man ito ng mga kalaban ay tiyak na mahihirapan silang makapasok.[25]

Noon pa man, ang probinsya ng Iloilo ay ang nangunguna na sa paggawa ng bigas at ang lupa ay angkop para sa paglilinang ng koton, itim na paminta, kakaw, kape, at lahat ng uri ng prutas.[26] Inulat din ni Gonzales Fenandez na mayroon ding minahan ng ginto sa lugar.[27]

Sa unang bahagi ng ikapitong siglo, ang lugar ay inilarawan na maganda at mayaman na mayroong daungan at bahura para sa mga sasakyang-dagat at magandang torso sa paggawa nito.[28]

Malapit sa isla ng Panay ang isla ng Guimaras kung saan matatagpuan ang magagaling na karpentero at artisan na hindi nakikipagugnayan sa ibang kalakalan at trabaho.[29]

b.) Ang Kolonyal at Pakikipagsapalaran ng mga Espanyol sa Pilipinas

Noong 1571, lumipat si Legaspi sa Manila, iniwan niya ang mga tao sa Panay habang gumagawa ng Bangka, at ang ilang sundalo ay nagbabantay sa artilerya at mga bala. Taong 1576, si Francisco de Sande, ang governador heneral ng isla, ay umulat na mayroon nang progreso sa Oton: “I have finished another galley, thirty-four varas long [28.424 meters] with twenty benches. Still another will be ready by September, and I will continue with the work.” Mula noon, ang lugar ng Oton Arevalo ay, hanggang sa unang dekada ng ikalabing siyam na siglo, ang pangunahing, kung hindi ang kaisa-isang lugar lamang kung saan itinayo ang mga barko, bangka, at iba pang uri ng mga sasakyang-dagat.[1]

III. Konklusyon

Naobserbahan ng mananaliksik na pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang una nilang kontribusyon ay ang pagturo ng doktrina ng Kristiyanismo. Pagkatapos ng unang misa, kumalat ang impluwensya ng mga Espanyol, hindi lamang sa relihiyon, kundi pati sa pananalita, edukasyon, atbp.

Tila magkakaugnay ang mga akda ayon sa pagpapatakbo ng mga Espanyol sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas. Hindi nagkakalayo ang paraan ng mga misyonerong Espanyol upang gawing estado ang mga lalawigan kasabay ng paghubog sa mga katutubong mamamayan, na may halong pagpasa ng kanilang mga kultura katulad ng sistema sa pamahalaan, relihiyong Kristiyanismo, at proseso sa kalakalan simula pa noong ika-anim na siglo hanggang sa huling dekada ng ika-siyam na siglo.

Bibliograpiya

Bernad, Miguel A. S.J. The Great Island: Studies in the Exploration and Evangelization of Mindanao. (Ateneo De Manila University Press, 2004), 49, 52, 130, 144, 1720.

Cruikshank, Bruce. Samar: 1768-1898. (Historical Conservation Society, 1985), 73, 106, 145, 150, 158.

Garcia, Mauro and Resurreccion, C.O. Focus On Old Manila: A Volume Issued to Commemorate the Fourth Centenary of the City of Manila. (Philippine Historical Association, 1971), 32, 98, 104, 108, 115, 126, 134, 135, 182, 190, 197.

Gerona, La Ciudad de Nueva Caceres:The Rise of the Sixteenth Century Spanish City (Galleon Publisher, 2014), 78, 95, 89, 102, 105, 112, 126, 138.

Hernandez, Policarpo F. Iloilo, The Most Noble City: History and Development 1566-1898, (New Day Publishers 2008), 5, 7, 26-28.

Isabelo Florentino de los Reyes, The History of Ilocos: Volume I and II (University of the Philippines Press, October 31, 2014), 28-32, 53-58, 62, 73, 140, 144, 147, 148, 174, 274-277.

Meimban, Adriel. La Union: The Making of a Province 1850-1921. (Rex Printing Company, 1997), 90.

Cortes, Rosario M. Pangasinan 1572-1800 (New Day Publishers, 1974), 58, 62, 70, 85, 89, 97.

Policarpo F. Hernandez, ILOILO, The Most Noble City: History and Development 1566-1898
(New Day Publishers, 2008).

[1]Hernandez, Iloilo, 28

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *